Pages

Friday, January 16, 2009

anong kurso mo?BSN ba?

anong kurso mo?BSN ba?
paki define nga ng BSN..marami na kasi siyang meaning ngayon eh.
Batchelor in Narseng ba?
ay oo, nga pala...
ang mga gumradweyt sa kursong ito talaga namang napaka "anytime, anywhere"
versatility, ingenuity, enthusiasm ika nga nila..

pwede silang BSK as in BINUHI SA KOREANO - ito yung mga NURSE- KOREAN TEACHER. talaga namang sa pang-araw araw na buhay nila ay kapiling na nila ang mga salitang anyong haseo, kimchi at mogi.

pwede din silang BSC as in BINUHI SA CALL CENTER - Ito yung mga NURSE - CALL CENTER AGENTS. Pamilyar sa kanila ang mga katagang inbound at outbound. Kagaya ng stethoscope, ang kanilang headphone ang kanilang newly found bespren ngayon. Graveyard shifts?sisiw lang yan sa kanila, ahem..sanay yata mag 11/7 ang mga yan.

pero karamihan yata ay BSIT as in BINUHI SA INTERNET - Ito yung mga NURSE - INTERNET TRENDSETTERS. Yun bang mga ginagawa ang lahat ng uso sa net,mapagkikitaan man o gamot sa simpleng pagkabato. Madalas sila yung nka online 24 hours sa ym, friendster o multiply. Sila ang laging numero uno sa friends' updates o di naman kaya sa who's viewed me.

meron din namang BSHT as in BINUHI SA HOSPITAL TRAINING -Ito yung mga NURSE -TRAINEE, ayan seryoso sa pagiging nurse. Nagtatrabaho na sila ngayon sa mga iba't ibang hospitals na madalas ay yung mga malalayo sa kabihasnan dahil ang training dun walang bayad kung hindi ikaw pa ang binabayaran..o di kaya sila ay CI na sa mga eskwelahang tumataggap ng mga di pa lisensyadong nars...ang saya naman ng life nila.

at hindi rin magpapahuli ang BSN - CPE as in CONTINUING PANINGKAMOT EDUCATION - Ito yung mga NURSE - ESTUDENT! Marahil sila ay nag rereview para sa NLEX ah este NCLEX, nag-aaral ng FINN LANGUAGE para madaling makalabas ng Pinas, umaatend sa halos lahat ng seminar na i-offer sa kanya o dili naman kaya ay nag-aaral ng potograpiya, culinary arts, adobo photoshop ah este adobe photoshop.

pero marahil ang pinakamalaking populasyon ng mga nars ngayon ay mga BSN pa rin..syempre naman...
BINUHI SA NANAY!
ano pa!!!
Nay, pamasahe!!!
Nay, baon!!!!
Nay, sanina!!!
Nay, LOAD!!!
Nay, Project!!!
(project gud!!!hui!!graduate nka!!!pagmata!!!)


disclaimer:
Ang tala pong ito ay di ginawa para mang-inis lalo na ang mangonsensya.Ngunit, datapwat, subalit ginawa po ito para i-larawan ang buhay-buhay ng mga nars na grumadweyt at nagkukumahog ng makita ang resulta ng board exam.
Nagpapatunay lamang na ang isang nars na tulad ko, tulad mo (kung BSN ka man) ay napakatalentado!
all around ika nga..yung iba nga, dalawa pa ang major course sa mga nabanggit


bato bato sa langit ang tamaan wag magalit!

0 comments:

come again!

free hit counter login page
Provided by website-hit-counters.com hit counters.